600 pulis, sinasanay para maging board of election inspectors sa BSKE

Sinasanay ng Commission on Elections (Comelec) ang 600 pulis para maging Board of Election Inspectors (BEIs).

Ito ay bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Oktubre 30.

Itatalaga ang mga pulis sa Bangsamoro Autonomous Region kung saan karamihan ng lugar ay inilagay sa red category dahil sa naitalang karahasan.


Hakbang ito ng Comelec at Philippine National Police (PNP) sakaling may mga guro na hindi magsilbing BEIs dahil sa takot sa kanilang seguridad.

Puspusan naman ang ginagawang paghahanda ng PNP upang matiyak na magiging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng halalan sa bansa.

Habang nagpapatuloy rin ang information campaign ng Comelec at Department of Interior and Local Government (DILG) upang malabanan ang pagbili at pagbebenta ng boto.

Facebook Comments