600 SANTIAGUEÑO, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Cauayan City – Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga benisyaryong mula sa Lungsod ng Santiago kahapon, ika-8 ng Hulyo sa Bulwagan ng Mamamayan, City Hall, Barangay San Andres, Santiago City.

Ang nabanggit na tulong pinansyal ay sa ilalim ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Pinangunahan ni Sen. Francis Tolentino ang pamamahagi ng tulong pinansyal na umabot sa 600 ang kabuuang bilang ng mga naging benipesyaryo ng naturang programa.


Bukod sa natanggap na P2,000 bawat isa, namahagi rin ng karagdagang anim na wheelchairs si Sen. Tolentino para sa ilang mga PWD’s mula sa lungsod ng Santiago.

Facebook Comments