6,000 aktibong kaso ng COVID-19, posibleng maitala sa kalagitnaan ng Disyembre – DOH

Posibleng umabot sa 6,000 hanggang 7,000 aktibong kaso ng COVID-19 na lamang ang maitala sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay kung mapapanatili ang kasalukuyang mobility level at ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng umabot sa 12,264 hanggang 12,584 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng buwan.


Habang bababa ito lalo mula sa 6,071 hanggang 7,301 pagsapit ng ika-15 ng Disyembre kung mapapanatili ang kasalukuyang 89% mobility rate ng bansa.

Sa kabila nito, posible namang umakyat muli ang bilang ng kaso kapag umakyat ang mobility rate sa 95 hanggang 98 percent kasabay ng pagbaba ng pagsunod ng publiko sa health protocols.

Facebook Comments