6,000 bagong kaso ng COVID-19 cases, karamihan ay mula sa Calabarzon at NCR

Mula sa higit 6,000 kaso ng COVID-19 na naitala kahapon, karamihan sa mga ito ay mula sa Calabarzon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, naitala sa Region 4A ang mataas na poryento sa national case load na nasa 940 cases.

Sumunod ang Metro Manila na may 832 cases.


Tumataas din ang kaso sa Western Visayas na may 683, habang naitala sa ibang mga rehiyon ang 3,971 cases.

Sa kabuoan, ang COVID-19 cases sa bansa ay umabot na sa 1,322,053.

Kaugnay nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na malayo pa ang lalakbayin ng bansa bago maabot ang herd immunity.

Facebook Comments