6,000 na bagong kaso ng COVID-19, kalahati ay mula sa NCR – Duque

Nakapagtala ang bansa ng higit 6,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, at halos kalahati nito ay mula sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 2,963 na kaso ay mula sa NCR, 1,478 ay mula sa CALABARZON at 866 mula sa Central Luzon.

Mula sa 1,020,495 total cases, 67,769 ang aktibong kaso.


Bagamat nakikita ang pagbaba ng kaso, karamihan pa rin sa mga kaso ay nanggagaling sa Metro Manila, Region 3 at Region 4-A.

Ang two-week growth rate sa NCR ay kasalukuyang nasa -15%, ang average daily attack rate sa rehiyon ay nananatiling mataas sa 31.01 kada 100,000 population.

Ibinunyag din ni Duque na ang ICU utilization rate sa NCR ay bumaba sa 69% mula sa dating 84%.

Facebook Comments