6,000 pulis, ide-deploy sa Batasan para sa SONA ng pangulo

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 5,000 – 6,000 nga pulis sa paligid ng Batasang Pambansa para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, bukod pa ito sa mga tauhan na naka-deploy sa ibang lugar para masigurong hindi makukumprumiso ang seguridad sa Metro Manila, partikular sa mga tinaguriang high-crime areas.

Ani Fajardo, sa ngayon ay walang na-monitor na seryosong banta sa seguridad sa SONA, pero hindi parin magpapaka-kanpante ang kapulisan.


Patuloy aniya ang koordinasyon nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at House of Representatives upang matiyak na hindi malulusutan ang ilalatag na seguridad.

Kasunod nito, nakikiusap ang opisyal sa mga nagbabalak mag-martsa at magprotesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na sa mga freedom park na lamang isagawa ang kanilang mga aktibidad upang hindi makagambala sa daloy ng trapiko.

Facebook Comments