60,000 COVID-19 test kada araw, naitala nitong April 6-10 – Dizon

Patuloy na pinalalakas ng bansa ang kakayahan nito sa COVID-19 testing.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, nakapagsagawa ang bansa ng 60,777 RT-PCR test kada araw mula nitong April 6 hanggang 10.

Mataas aniya ito sa average na 50,000 test per day.


Partikular na pinaiigting ang testing sa NCR plus.

Dagdag pa ni Dizon, magde-deploy ang pamahalaan ng 500,000 antigen test kits sa mga komunidad na may kumpirmadong outbreak ng COVID-19, partikular sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Pampanga.

Ang antigen tests ay ibibigay sa mga ospital na nangangailangang i-test ang kanilang mga pasyente at sa mga local government units (LGUs).

Ang pagbabayad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng hospital claims ay nakatulong para magdagdagan ang intensive care unit (ICU) beds, pagbubukas ng COVID-19 wards at beds sa NCR Plus, maging sa criticial care capacities at medical personnel.

Nangako ang mga NCR mayors na magdadagdag ng 35 ICU beds at 1,350 regular COVID-19 beds para sa moderate, mild, at asymptomatic patients.

Facebook Comments