60,000 katao, nakaramdam ng adverse reactions sa bakuna kontra COVID-19, naitala ng FDA

Aabot sa 60,703 suspected adverse reactions sa mga nakatanggap ng COVID-19 vaccine ang naitala ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, sa nasabing bilang, 2,083 ang suspected serious adverse reaction reports.

Karamihan ng mga ito ay mga indibidwal na nabakunahan ng AstraZeneca.


Narito naman ang bilang ng mga nakaramdam ng side effects sa mga naturukan:

AstraZeneca – 30,202 sa 6.03 million dose na naiturok
Sinovac – 24,148 sa 18.5 million dose na naiturok
Pfizer – 2,597 sa 3.1 million dose na naiturok
Johnson & Johnson – 2,327 sa 3.5 million dose na naiturok
Moderna – 778 sa 1.6 million dose na naiturok
Sputnik V – 651 sa 327,125 dose na naiturok
At wala namang side effects sa 9,133 dose na itinurok ng Sinopharm

Facebook Comments