600,00 manggagawa ng garment industry, posibleng mawalan ng trabaho

COURTESY: International Labour Organization (ILO)

Tinatayang aabot sa 600,000 manggagawa ng garment industry ang posibleng mawalan ng trabaho.

Ito ay matapos bumaba ng halos 40% ang nae-export na damit ng Pilipinas sa mga bansang bumibili nito.

Batay sa pag-aaral ng International Labour Organization (ILO), malaki ang ibinagsak ng ine-export na garments sa mga bansa tulad ng United States of America, Europe at Japan mula noong Enero at Hunyo ngayong taon kumpara sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.


Ayon kay ILO Regional Director for Asia and the Pacific Chihoko Asada Miyakawa, malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa pagbagsak ng garment industry.

Bukod sa Pilipinas kasama rin sa apektado ang China, India at Sri Lanka.

Facebook Comments