Inaasahang maide-deliver na sa bansa ngayong linggo o sa susunod na linggo ang Sinovac ng Chinese pharmaceutical firm.
Ito ay matapos mabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinovac ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Sinovac Biotech General Manager Helen Yang, inihahanda na nila ang pagpapadala ng mga bakuna sa bansa at isinasapinal na nila ang mga proseso para makarating agad sa bansa ang 600,000 dose ng Sinovac vaccines.
Bagama’t iginagalang ng kompanya ang rekomendasyon ng FDA, nanindigan si Yang na mabisa ang kanilang COVID-19 vaccine para sa health workers at matatanda.
Una nang sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ang Sinovac ay may efficacy rate lang na 50.4 percent kapag ginamit sa healthcare workers na nag-aasikaso ng pasyenteng may COVID-19.