602 BRIGADE sa Carmen, North Cotabato, sumailalim sa FIRE SAFETY INSPECTION!

Ang General FIRE SAFETY INSPECTION ay isinagawa ng Carmen Fire Station Personnel sa pamumuno ni SFO3 Albert G Keil sa bisinidad ng 602nd Brigade, Camp Robert Edward M Lucero, Baranggay Nasapian, Carmen, Cotabato.
Ang inspekasyon ay ikinasa upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente malapit sa brigada lalo pa’t may mga eksplosibo at military equipment na sensitibo at madaling pagmulan ng apoy at magdudulot ng kapinsalaan kung hindi maayos na napapangasiwaan.
Pagkatapos ng inspeksyon, pinayuhan ni SFO3 Keil ang mga sundalong incharge na magdagdag ng fire extinguisher lalo na sa kanilang armory o stock room para sa mas madaling pagresponde sa oras na magkasunog.(PHOTO:CCTO)

Facebook Comments