61.6-M target population sa bansa, fully vaccinated na

Iniulat ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na umaabot na sa higit 132 million doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naiturok na para sa mga eligible population sa buong bansa.

Base sa National COVID-19 vaccination dashboard, 61.2-M naman ang mga Pilipinong nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 61.6-M ang fully vaccinated kasama na ang single dose na Janssen.

Samantala, 9.1-M naman ang nabigyan na ng booster shot.


Sa hanay naman ng mga batang edad 5 hanggang 11, sinabi ni Nograles na umaabot na sa higit 149,000 ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19.

Umaabot naman sa 9.3-M mga batang edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan na at wala ni isa rito ang napaulat na nagkaroon ng major adverse event.

Facebook Comments