61.85% ng P22.9 billion pondo para sa mga naaapektuhan ng ECQ sa NCR Plus bubble, naipamahagi na ayon sa DILG

Umabot na sa 61.85 percent ng 22.9 bilyong pisong pondong nakalaan sa mga naaapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), ang naipamahagi na sa National Capital Region (NCR) at sa iba pang kalapit na lalawigan na kinabibilangan ng; Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, naipamagi ang pondo sa Metro Manila na 68.51% nang kumpleto, sinundan ng Laguna (65.76%), Rizal (56.9%), Bulacan (53%) at Cavite (47%) nang kumpleto.

Bibigyan naman ng panahon ng DILG ang mga Local Government Unit (LGUs) na masagot ang mga reklamo mula sa publiko kaugnay sa pamamahagi ng ayuda para maiwasan ang pagsasampa ng kaso.


Habang tiniyak din ni Año na mapapanagot ang mga lokal na opisyal na mahuling bumabawas sa pondo na dapat ay sa pinansyal na tulong para sa publikong naapektuhan ng ECQ.

Facebook Comments