61 Locally Stranded Individuals, Nakabalik na sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Nakauwi na sa Isabela ang nasa 61 stranded kabilang ang 45 marine student ng Isabela College of Arts and Technology matapos malockdown sa Batangas Port para sa kanilang On-the-Job-Training.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, matapos ang ginawang pagsusuri sa mga locally stranded ay wala namang nakitang sintomas ng COVID-19 kaya’t imbes na idiretso sa mga nakalaang quarantine facilities ay agad na sumailalim ang karamihan sa kanila ng home quarantine.

Aniya, kabilang din ang isang stroke patient na idiniretso agad sa isang pagamutan sa Bayan ng Cabagan para sa kaukulang medikasyon sa kanyang kondisyon.


Sinabi pa niya na mula sa Ilocos Region, Baguio City, Pampanga at Batangas ang mga sinundong locally stranded.

Sa huli, personal na ipinaabot ni Governor Rodito Albano III ang tulong sa mga dumating na Isabeleños para sa kanilang panimula.

Facebook Comments