61–M na Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot sa 1.5 million dose ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa unang apat na araw na “Bayanihan, Bakunahan.”

Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairman at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang nasabing bilang ay malayo sa target na 5 million ng pamahalaan.

Ang ikatlong yugto ng “Bayanihan, Bakunahan” ay unang ikinasa nitong February 10 hanggang 11 at pinalawig pa ng hanggang February 18.


Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 61.4 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Aabot naman sa 9 million ang nakatanggap na ng booster dose.

Kaugnay nito, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na higit 91,000 na kabataan edad 5 hanggang 11 ang bakunado na laban sa COVID-19.

Habang higit 9 million naman sa mga batang edad 12 hanggang 17.

Facebook Comments