61 NA PAMILYA, NABIGYAN NG TULONG NG DSWD FO2

 

CAUAYAN CITY – Nagpaabot ng tulong pinansyal ang DSWD Field Office 2 sa 61 na pamilya na apektado ng insurhensiya sa Sitio Baguio Point, Brgy. Lapi, Peñablanca, Cagayan.

 

Nagkakahalaga ng P5,000 ang natanggap ng bawat pamilya mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations program at bukod dito ay mayroon ding family food packs na ibinigay.

 

Limang indigent seniors citizens din ang nakatanggap ng kanilang pension para sa ikatlong quarter ng taong 2024.


 

Maliban sa tulong pinansyal at food packs, libreng medical check-up at gamot ang ibinahagi ng Municipal Health Office sa mga residente.

 

Matatandaan na noong ika-10 ng Mayo ay isang sagupaan sa pagitan ng militar at New People’s Army ang naganap sa nabanggit na lugar.

Facebook Comments