61 pantalan, tigil operasyon dahil sa Bagyong Goring; higit 140 pasahero, stranded

Nananatiling hindi operational ang nasa 61 pantalan ngayong araw.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tigil-operasyon ang mga ito bunsod ng masamang panahon dahil sa Bagyong Goring.

Partikular ang 61 pantalan sa Regions 2, 6, CALABARZON at MIMAROPA.


Sa ngayon, nasa 145 mga pasahero ang stranded sa CALABARZON na nananatiling mataas ang alon at nakataas ang gale warning.

Habang hindi pa rin pinayagang maglayag ang 13 vessels at apat na motorbancas.

Facebook Comments