61 pulis, nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19

50

Nadadagdagan pa rin ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 2,980 na pulis.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, kahapon ay may panibagong 61 mga pulis ang infected ng COVID-19.


39 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police (NCRPO), walo ay nakatalaga sa PNP Crime laboratory, lima sa Police Regional Office (PRO) 4-A, tatlo sa PRO-Cordillera, dalawa sa Headquarters Support Service at tig-isa sa National Headquarters, Information Technology Management Service (ITMS), Maritime Group, at PRO-2.

Pero good news dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,193 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 763 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,197 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Facebook Comments