61 VIALS NG ASTRAZENECA PARA SA PAGBABAKUNA NG 610 INDIBIDWAL SA BANI, DUMATING NA

BANI, PANGASINAN – NAKATANGGAP ang lokal na pamahalaan ng Bani ng kabuuang animnapu’t isang vials ng Astrazeneca vaccine.

Ang nasabing totalidad ng mga vial na available sa munisipalidad ay makapagbabakuna ng aabot sa anim na raan at sampung mga indibidwal na kabilang sa A1 priority group o ‘yung mga frontline health workers, at A2 priority group o mga senior citizen.

Uumpisahan na ang pagbabakuna sa mga nabanggit na grupo sa susunod na linggo, simula ika-labing pito ng Mayo, Lunes hanggang ika-dalawampu ng Mayo, Huwebes.


Samantala, 150 doses ang target na mabakunahan ng Rural Health Unit at DOH Bani sa isang araw.

First come, first served ang kanilang basis kaya kailangan umanong siguruhing nakarehistro ang kanilang mga pangalan bago pa man magtungo sa vaccination site.

Para sa registration ng senior citizen, maaari umanong iparehistro ang mga ito sa kanilang presidente o magiwan ng mensahe sa facebook account ng ahensya na DOH HRH Bani.

Sa mga nakarehistro at naabisuhan namang magpabakuna sa nasabing araw paalala ng administrators na dapat ay matulog nang maaga, kumain bago magpunta, at magbaon ng tubig.

Facebook Comments