Pumalo na sa 6,191 indibidwal ang nasawi sa ilalim ng drug war operation ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte magmula noong July 1, 2016.
Batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 307,521 ang naaresto sa 213,504 drug war operations sa nasabing panahon.
Umabot naman sa 13,224 high-balue target ang naaresto simula July 1, 2016 hanggang August 31, 2021 na kinabibilangan ng;
• 322 foreigners
• 390 elected officials
• 120 uniformed personnel
• 498 government employees
• 3,696 mga target na indibidwal
• 791 lider at miyembro ng drug group
• 75 miyembro ng armed group
• 1,353 drug den maintainers
• 283 mga nasa wanted list
• 24 celebrities at Professional Regulatory Commission license holders
• At 5,692 indibidwal na naaresto sa high-impact operations