62-anyos na madrasta, patay sa pananakal ng stepson

3198
PHOTO FROM PNP CADIZ

Patay ang isang madrasta sa Cadiz City, Negros Occidental matapos umanong sakalin ng kaniyang stepson.

Kinilala ang biktima na si Andiolina Sibuyan, 62-anyos, residente ng Sitio Paniqui-on sa Barangay Jerusalem.

Ayon sa pulisya, sinakal ng suspek na kinilalang si Angelito Sibuyan, 42 taong gulang, ang madrasta hanggang sa tuluyang mawalan ng buhay.

Inilibing din ng salarin ang bangkay ng biktima sa tabi ng isang sapa.

Lumabas sa imbestigasyon na lasing ang akusado nang isagawa ang krimen noong gabi ng Agosto 1.

Inako naman ni Angelito ang pagpaslang sa madrasta at sinabing nagawa niya lamang ito dahil sa matinding galit.

Depensa niya, palagi umano siyang pinapagalitan ng madrasta kahit maliit lamang ang pagkakamali.




Sinabi rin ng suspek sa mga awtoridad kung saan niya ibinaon ang labi ni Andiolina.

Nakapiit ngayon sa Cadiz City Police Station ang stepson na sinampahan ng kasong murder.

Facebook Comments