Nakapagtala ng 62 kaso ng dengue ang bayan ng Mangaldan Pangasinan mula Enero hanggang ngayong Agosto ayon sa Municipal Health Office.
Bilang tugon, patuloy ang pagsasagawa ng fogging at misting operations, larvicidal treatment at information drive partikular sa mga barangay na napaulat na may pagtaas ng kaso.
Nagsasagawa rin ng epidemiological investigation and surveillance sa mga pinakabagong tala na Dengue sa bayan tulad ng ilang kaso sa Purok 1, Brgy.Maasin kamakailan.
Magkasunod na anti-dengue drive ang isinulong ng Mangaldan Municipal Health Office (MHO) nitong Agosto 17-18 sa Brgy. David sa pangunguna ni Zita Lapore,
Sanitary Inspector II. Targeted Indoor Residual Spray (TIRS) at Targeted Outdoor Residual Spray (TORS) ang ilan sa ginagamit na preventive measures ng MHO upang mapuksa ang lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.
Masusing pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang publiko na maging maagap at panatilihing malinis ang kapaligiran upang ang dengue ay maiwasan at masolusyunan.
62 KASO NG DENGUE SA MANGALDAN, NAITALA; FOGGING, MISTING OPERATIONS AT LARVICIDAL TREATMENT ISINAGAWA
Facebook Comments