Sumampa na sa 62 indibidwal ang patay dahil sa pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa Sudan.
Pinakatinamaan ang White Nile sa timog bahagi ng nasabing bansa.
Sa tala ng United Nations, nasa mahigit 37,000 kabahayan na ang nasira habang inaasahan pa rin ang patuloy na flashfloods sa lugar.
Matatandaang Hulyo pa nagsimula ang malalakas na pag-ulan kung saan nasa 200,000 katao na ang apektado mula sa 15 estado ng Sudan.
Inaasahang magtutuloy-tuloy ang mga pag-ulan sa Sudan hanggang sa katapusan ng Oktubre.
Facebook Comments