62-M na pasahero, inaasahang maa-accommodate sa NAIA terminals kasabay ng pag-takeover ng pribadong concessionaire

Mula sa 35 million passengers na capacity ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminals, magiging 62 million na ito sa mga susunod na araw.

Ito ay ayon sa Transportation Department sa sandaling makumpleto na ang modernisasyon sa paliparan.

Habang ang air traffic movement anila movement na 40 per hour, ay magiging 48 na at ito ay makakasunod na sa standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO).


Ayon pa sa DOTr, ang naturang rehabilitasyon ay makakalikha ng 58,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Kabilang sa modernisasyon ang aircraft parking bays, parking slots, installation ng world-class systems and technology, convenient land transport connectivity, at iba pa.

Kaninang hatinggabi, pormal nang nag-takeover ang NNIC sa pangangasiwa sa NAIA terminals.

Facebook Comments