62-M Pilipino, nakapagparehistro na para May 2022 elections

Umabot na sa 62 milyong Pilipino ang nakapagparehistro para makaboto sa 2022 elections.

Ayon kay Commission on Elections o COMELEC Spokesperson James Jimenez, hindi pa kasama rito ang mga nagpalista, dalawang linggo bago ang deadline ng extended voter registration noong October 30.

Samantala, mahigit kalahati o 32.7 million mula sa kabuuang bilang ng registered voters ay mga kabataan.


Limang milyon naman ay mga first time voters.

Facebook Comments