MANILA – Umabot na sa 62 pulis ang nirelieve sa puwesto matapos ang madugong dispersal sa mga raliyista nitong miyerkules sa harap ng US Embassy.Ayon kay Manila Police District Chief Senior Supt. Jigs Coronel, ito ay para madaling makarating ang mga ito sa oras na ipatawag para sa imbestigasyon.Una nang nagpunta sa MPD si Chief Supt. Edgar Ariate, hepe ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) ng Philippine National Police National Capital Regional Police Office para kunan ng pahayag si Senior Supt. Marcelino Pedrozo na siyang ground commander sa kilos protesta.Bukod kay Pedrozo, kukunan din ng pahayag ang mga nasaktan sa rally pati na ang nagmaneho ng sasakyang nakasagasa sa ilang raliyista na si PO3 Franklin Kho.Sabi naman ni Chief Supt. Perpetuo Macion, isa sa mga opisyal ng RIAS, ang resulta ng imbestigasyon ng ias ang magiging batayan ng pagsasampa ng kasong administratibo.Samantala, nanindigan naman si Pedrozo na ginawa lang ng mga pulis ang kanilang tungkulin kahit kinulang sila ng puwersa laban sa mahigit 700 raliyista.Inaasahan naman na sa loob ng isang linggo ay matatapos ng RIAS ang kanilang imbestigasyon
62 Mga Pulis Na Sangkot Sa Madugong Dispersal Ng Mga Raliyista Sa United States Embassy, Sinibak Na Sa Pwesto
Facebook Comments