Pinagwawasak ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Group (PDEA) ang P62 milyong halaga ng tanim ng marijuana sa Kalinga nitong weekend.
Batay sa report na nakarating kay PNP Officer in Charge, Police Lt. General Vicente Danao Jr., isinagawa ang marijuana clearing operation mula June 24 hanggang 26 sa Brgy. Buscalan, Brgy. Butbut Proper, at Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Nadiskubre at winasak ang 310,000 mga tanim ng marijuana na pinatutubo sa halos 26,000 metrong lupain.
Walang naabutan na “cultivators” ang mga awtoridad.
Binati ni Gen. Danao ang mga tauhan ng PNP at PDEA sa tuloy-tuloy na kampanya laban sa mga marijuana plantations sa lalawigan, at hinikayat na pagbutihin ang paghuli sa mga nagtatanim ng ipinagbabawal na halaman.