Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nagtapos sa pagsasanay ang 62 na mga miyembro ng Community Based Anti-Illegal Drug Advocacy (CBAIDA) na isinagawa ng PDEA sa ISU Angadanan Campus Library Centro 3, Angadanan, Isabela.
Nagsimula ang 2-day CBAIDA Trainer’s training noong ika-12 hanggang 13 ng Mayo taong kasalukuyan sa nasabing unibersidad.
Pang labing apat na batch ito ng nagtapos na mga CBAIDA advocates na naglalayong bigyang kapasidad ang mga force multipliers ng nasabing munisipalidad na manguna sa pagsasagawa ng anti-drug sustainability activities sa kanilang nasasakupan.
Samantala, hindi naging problema ang pagkakaroon ng drug resilient at self-policing na komunidad dahil sa suporta na ibinibigay ng iba’t-ibang ahensya at Local Government Units.
Ang pagkakaroon ng drug resilient at self-policing na komunidad ay hindi naging problema sa walang patid na suporta mula sa iba’t ibang ahensya, stakeholders, Local Government Units at hanggang sa mga barangay.
Facebook Comments