Umabot na sa kabuuang 622, 947 na indibidwal sa Ilocos Region ang nakatanggap ng kanilang Philippine Identification (PhilID) o National ID.
Sa nasabing bilang, 19, 148 dito ang nakatanggap sa Ilocos Norte, 159, 226 sa Ilocos Sur, 179, 109 sa La Union at 265, 465 dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Jim Ian Bautista,tagapagsalita ng Philippine Statistics Authority, may mga indibidwal na nagkaroon ng double registration kung kaya’t nagkakaroon ng pagkaantala sa deliver ng kanilang ID.
Payo ng opisyal, kailangang ivalidate ang kanilang record sa PSA upang agad na masolusyunan.
Nagbabala din ito sa mga nakatanggap ng kanilang IDs na huwag itong ipost sa social media dahil maaari itong makopya ng mga nananamantala lalo na ang kanilang PhilSys number.
Samantala, nasa 142, 999 ang rehistrado na sa PhilSys Step 2 sa rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments