Bibigyan ng 628-milyong halaga ng Department of Agriculture ang mga magsasaka ng Pangasinan na isa sa mga apektado ng pagbaba ng presyo ng Palay.
Ito ay matapos bumisita si Secretary William Dar sa lalawigan ng Pangasinan para sa isang forum na dinaluhan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Secretary Dar, pang pitong probinsiya na ang Pangasinan na kaniyang binisita at nakita nito ang malawak na sakahan ng lalawigan kung kaya’t magkakaroon ito ng malaking investment.
Naglaan ito ng 49, 820, 000 sa District 1, District 2 na mayroing 68, 639, 000, 71-milyon sa District 3, 52-milyon sa District 4, District 5, 87 milyon at ang District 6 na mayroong pinakamalaking ipapamahaging ayuda na umabot sa 291-milyon na nasa kabuuang 628-milyon.
Sinabi ni Secretary Dar na dapat umanong magtulungan ang bawat mangingisda at magsasaka sa lalawigan upang maging isa sa mga modelo ng agrikultura at pangisdaan ang lalawigan ng bansang Pilipinas.
Samantala, sa susunod na pagbisita umano ng kalihim ay mas malaki pa ang ayudang ipapamahagi nito sa mga magsasaka at mangingisda ng Pangasinan.
###