63.2 milyon eligible population sa bansa, fully vaccinated na

Iniulat ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, na umaabot na sa higit 135.7 milyon doses ng anti-COVID-19 vaccines ang naiturok na para sa mga eligible population sa buong bansa.

Base sa National COVID-19 vaccination dashboard, 68.8 milyon naman ang mga Pilipinong nakatanggap ng 1st dose habang nasa 63.2 milyon ang fully vaccinated kasama na ang single dose na Janssen.

Samantala, 10.2 milyon naman ang nabigyan ng booster shot.


Sa hanay naman ng mga batang edad 12-17 yrs old, sinabi ni Nograles na umaabot na sa 8.4 milyon ang mga fully vaccinated, habang sa edad 5-11yrs old 736,880 ang nakatanggap na ng 1st dose ng Pfizer reformulated vaccine.

Facebook Comments