
Arestado ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) PDEA Drug Interdiction Task Group ang 63-year-old Korean national dahil sa tangkang pagpupuslit ng illegal drugs palabas ng bansa sa NAIA Terminal 1.
Nakuha ng mga awtoridad mula sa dayuhan ang 5 grams ng illegal substance, na may standard drug value na ₱34,000.00.
Ang senior citizen na Koryano ay dinala sa PDEA Headquarters para sa detention at sa paghahain ng kasong paglabag sa Attempted Transport of Dangerous Drugs.
Bunga nito, hindi na natuloy ang flight ng dayuhang pasahero patungo ng Incheon, South Korea.
Facebook Comments









