63-anyos na lalake sa Davao Oriental, kumpirmadong nasawi sa South African variant ng COVID-19 ayon sa DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagkasawi ng isang pasyente sa Davao Oriental na nagpositibo sa South African variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang pasyente ay isang lalaki at mayroong comorbidities na hypertension at diabetes dahil na rin sa kanyang edad na 63-anyos.

Paliwanag pa ni Vergeire, tinamaan siya ng COVID-19 at nang maisalang sa sequencing ay nagpositibo sa South African variant kung saan noong May 17, 2021 ay namatay na ang pasyente.


Giit ni Vergeire, ang naturang pasyente ay madaling tamaan ng sakit dahil “very vulnerable” ang kaniyang sitwasyon.

Pinawi ng opisyal ang anumang posibleng pangamba o takot na idulot nito sa publiko.

Facebook Comments