63 NAKUMPISKANG MODIFIED MUFFLERS NGAYONG 2025, WINASAK SA SAN MANUEL

Pinadaanan sa pison ang 63 na iligal na tambutso na nakumpiska ng San Manuel Police Station sa bayan ngayong taon.

Ayon sa himpilan, bahagi ng striktong pagpapatupad ng ordinansa kontra modified mufflers o maingay na tambutso ang aktibidad upang ipakita sa publiko ang sinserong paalala sa responsibilidad ng mga motorista.

Layunin ng operasyon na panatilihin ang katahimikan sa bayan at mapigilan ang polusyon dulot ng sobrang ingay.

Iginiit din ng pulisya na ang mga susunod na mahuhuling gumagamit ng iligal na tambutso ay agad na iendorso sa Land Transportation Office (LTO) para sa karampatang parusa.

Sa mga nakalipas na buwan, patuloy sa pagpapaalala ang lokal na pamahalaan na may karampatang penalty mula P1,000 hanggang P3,000 o pagdakip ng mga awtoridad.

Samantala, pabor ang lokal na pamahalaan sa hakbang ng pulisya upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa San Manuel. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments