Umabot nasa 63 Higher Education Institutions (HEIs) sa Pilipinas ang ginagamit ng gobyerno bilang vaccination sites.
Batay sa huling tala ng Commission on Higher Education, 11 sa mga ito ay nagmula sa National Capital Region (NCR), 10 sa rehiyon ng Davao, habang pawang may anim ang Calabarzon, Soccsksargen at Zamboanga Peninsula
Paliwanag ni CHED chairman Prospero de Vera III, bagama’t mahirap para sa mga unibersidad at kolehiyo na maging vaccination sites, mabuti naman ito para makatulong sa programang pagbabakuna ng pamahalaan.
Ilan naman sa mga lugar na wala pang paaralang ginagamit bilang vaccination sites ay ang mga rehiyon ng; Cagayan Valley, Mimaropa, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Facebook Comments