Nasa 64 indibidwal ngayon mula sa red list countries ang patuloy na binabantayan ng Bureau of Quarantine.
Dumating ang mga ito bago pa man magpatupad ang Pilipinas ng travel restrictions sa kanilang mga bansang pinagmulan.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sumailim na ang mga ito sa contact tracing at inendorso sa mga local government para mahigpit silang bantayan.
Sa kasalukuyan, kabilang sa mga red list countries dahil sa posibleng banta ng Omicron COVID-19 variant ang mga sumusunod:
• South Africa
• Botswana
• Namibia
• Zimbabwe
• Lesotho
• Eswatini
• Mozambique
• Austria
• Czech Republic
• Hungary
• Netherlands
• Switzerland
• Belgium
• Italy
Habang una nang sinabi ng BOQ na walang ipinakitang sintomas ng COVID-19 ang mga naturang pasaherong dumating sa bansa.