640 ESTUDYANTE, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL SA SAN NICOLAS

Umabot sa 640 mag-aaral mula sa day care hanggang senior high school sa San Nicolas ang nakatanggap ng pinansyal na tulong bilang suporta sa kanilang edukasyon.

Dahil sa pangangailangan katulad ng mga kagamitan, uniporme at iba pang gastusin ng mga estudyante, lalo sa daycare at senior high school, sinisiguro na maipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral nang hindi naaapektuhan ng kakulangan sa pera.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga mag-aaral mula sa child development centers sa mga barangay ng Rose, Vanda, at Calla Lily, at mga estudyante sa San Rafael Elementary School at National High School.

Patuloy na tinututukan ang suportang pang edukasyon sa mga mag-aaral sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments