65 HEIs sa bansa, pasok sa pinaka-makabagong unibersidad sa mundo batay sa WURI Rankings 2024

Mula sa bilang na 44 noong nakaraang taon, nasa 65 na Philippine High Education Institutions (HEIs) ang nakapasok sa nangungunang 300 pinaka-makabagong unibersidad sa mundo batay sa 2024 WURI rankings.

Ito ay nagtatampok sa Philippine HEIs na may pinalakas na innovative education at may positibong epekto sa lipunan.

Mahalaga ang mga international rankings, dahil magiging halimbawa ang Pilipinas sa mga HEI sa buong mundo na nagsisikap sa mga pagpapahusay na kailangan sa pagtuturo, pananaliksik, serbisyo publiko at ang uri ng mga graduates na kailangan nilang mapagtapos.


Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, agresibo ang Komisyon sa pag-alalay sa Philippine HEI internationalization efforts alinsunod sa direktiba Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang paglikha ng world class professionals habang hinahanapan ang mga Filipino ng nababagay na trabaho, gaya ng IT, animation, aviation at game development.

Facebook Comments