![[COURTESY] FACEBOOK.COM - PHILIPPINE COAST GUARD](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2020/05/COURTESY-FACEBOOK.COM-PHILIPPINE-COAST-GUARD-2.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Bibigyan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ng quarantine clearance ang 6,500 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatapos na ng kanilang quarantine.
Ito ay matapos silang mag-negatibo sa RT-PCR testing na isinagawa ng mga tauhan ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.
Ayon sa PCG, ang quarantine clearance ang magsisilbing quarantine pass ng OFWs.
Ito ay para hindi sila maharangin o makuwestyon ng Local Government Units (LGUs) sa pag-uwi nila sa kanilang mga pamilya.
Facebook Comments