Umabot na sa 658,000 guro at personnel ng Department of Education (DepEd) ang nakapagpasa na ng digital signatures para sa National Public Key Infrastructure (PNPKI) bilang paghahanda sa eleksyon 2022.
Ang PNPKI digital signature ay bagong requirement ng Commission on Elections (Comelec) para sa lahat ng guro sa pampublikong paaralan na maglilingkod bilang Electoral Board Members sa nalalapit na eleksiyon.
Maituturing din itong “virtual key” o susi para maprotektahan ang mga datos laban sa mga hackers.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na siyang namamahala sa proyekto, mapagkakatiwalaan ang PNPKI lalo na sa paghawak sa online transactions.
Samantala, tiniyak naman ni DepEd Secretary Leonor Briones na handa ang kanilang departamento para gabayan ang mga guro sa pagtulong nito sa eleksiyon.
Sa kabuuang 658,000 lagda, 83% na dito ay na-validate para ipasa sa DICT.