65k na magsasaka, tatanggap na rin ng ₱5,000 cash subsidy sa gitna ng umiiral na ECQ

Anumang araw ngayong linggo pasisimulan na ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines ang pamimigay ng tig-₱5,000 cash subsidy sa mga magsasaka.

May 600,000 magsasaka mula sa 24 na lalawigan ang makikinabang sa cash subsidy na tinawag na Financial Subsidy to Rice Farmers upang makatulong sa kanilang pangangailangan habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na bahagi ito inisyatibo ng ahensiya na asistihan ang maliliit na magsasaka na may lupang sakahan na isang ektarya o mababa pa sa 24 na probinsya na hindi saklaw ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program.


Aniya, may nauna nang batch ng 600,000 magsasaka na may pag-aaring dalawang ektarya lupang sakahan pataas ang tuloy tuloy nang nabibigyan ng tig-₱5,000 sa ilalim ng programa.

Nangako pa ang DA na patuloy na tutulungan ang mga maliliit na magsasaka hindi lamang sa pagpapatupad ng Financial Subsidy to Rice Farmers at Rice Farmers Financial Assistance program kundi pati na sa iba pang pangunahing programa ng DA.

Facebook Comments