65k TILAPIA FINGERLINGS, IPINAMAHAGI SA BAYAN NG QUEZON

CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng distribusyon ang Office of the Municipal Agriculturirst ng 65,000 tilapia fingerlings sa mga fishpond operators sa Brgy. Lepanto, Quezon, Isabela.

Layunin ng programa na suportahan ang Aquaculture ng bayan kung saan nagmula ang mga fingerlings sa LGU Municipal Hatchery.

Bukod sa pamamahagi ng fingerlings, nagkaroon rin ng lektura hinggil sa water quality management, feeding practices, health monitoring, harvesting techniques at iba pa na maaaring makatulong sa tamang pag-aalaga ng tilapia at mapataas ang produksyon nito.


Facebook Comments