Kinumpiska ng City Veterinary Office ng San Fernando La Union ang 66 biik na lulan ng isang closed van matapos matuklasang walang kaukulang dokumento.
Ayon sa report ng pulisya, nagmula ang mga biik sa Candelaria, Quezon at dadalhin sana sa Quinavite, Bauang, La Union upang ibenta, ngunit naharang ang sasakyan ng mga awtoridad sa lungsod.
Hindi nagpapakita ng legal na dokumento ang mga driver ng van, kaya’t agad na kinumpiska ng City Veterinary Office ang mga biik para sa tamang disposisyon.
Lumabag ang mga driver sa Provincial Ordinance No. 417-2023 na naglalayong pigilan ang pagpasok at pagkalat ng mga sakit na nakakahawa sa mga hayop, at sa City Ordinance 2023-14 na nagtatakda ng tamang protocol sa pag-manage ng mga produkto laban sa African Swine Fever (ASF).
Matatandaang isa ang La Union sa mga lalawigan na lubos na naapektuhan ng ASF noong nakaraang taon, kaya’t pinaigting ang mga regulasyon sa entry at exit points at masusing monitoring ng mga hog raisers sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨