66 distressed OFWs sa Qatar, hindi nakasama sa repatriation flight matapos magpositibo sa COVID-19

238 na distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Doha, Qatar ang panibagong dumating sa bansa.

Sila ay unang dumulog sa Philippine Embassy sa Qatar para sila ay makauwi na ng Pilipinas matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Hindi naman nakasama sa flight ang 66 na iba pang distressed OFWs dahil sila ay nagpositibo sa COVID-19.


Ang nagpositibong OFWs ay ilang buwan na nanirahan sa shelter wards ng Philippine Embassy sa Doha.

Bunga nito, sa susunod na chartered flight na lamang sila sasama pauwi ng Pilipinas.

Facebook Comments