Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa ASEAN Summit, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO ang Malate pulis sa iba’t ibang lugar kagabi.
Sabay-sabay sinuyod ng mga owtoridad ang Neveriza St., Macopa St., San Andres St., At Arellano St.
Sumatutal, 66 na mga lalaki ang naaresto habang 3 menor de edad ang dinala sa presinto matapos lumabag sa city ordinance ng lunsod ng Maynila.
Ayon kay Arellano PCP Commander Pchief Inspector Paul Sabulao, karamihan sa nahuli ay yung umiinum sa kalsada habang yung ilan ay walang damit pang-itaas.
Isa sa mga nahuli ay nakilalang si Arceño Quintana Jr., 45-anyos, at matapos makita ang kanyang record lumalabas na mayroon pala siyang warrant of arrest dahil sa kasong tangkang pagpatay.
Aminado siya sa krimen na ginawa noong nakaraang taon pero hindi niya batid na kabilang siya sa most wanted.
Ang mga menor de edad ay itinurn over sa DSWD habang yung ibang naaresto ay kakasuhan dahil sa paglabag sa city ordinance.