Panghimagas – Nagtulung-tulong ang nasa 1.5 milyong volunteers sa India para makapagtala ng bagong world record sa pamamagitan ng pagtatanim ng 66 milyong puno.
Pinangunahan ng pamahalaan sa Madhya Pradesh ang pagtatanim ng 20 iba’t ibang klase ng mga puno mula alas siyete ng umaga hanggang alas siyete ng gabi.
Inaalam pa ng mga kinatawan ng Guinness world records ang eksaktong bilang ng mga punong naitanim bago nila makumpirmang nalagpasan nga nito ang kasulukuyang world record na nakuha rin ng india noong isang taon.
Noong 2016 kasi ay nakapagtanim ang mga taga-Uttar Pradesh ng 49.3 milyong mga puno sa loob lamang ng 24 oras.
Facebook Comments