66 na mga indibidwal sa Marikina Public Market, positibo sa COVID-19 enhanced targeted mass testing

Umabot na sa animnapu’t anim (66) na mga indibidwal sa Marikina Public Market ang positibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Isinagawa ng City Health Office (CHO) kahapon ang enhanced targeted mass testing sa 2,000 mga tao sa naturang palengke tulad ng stall holders, vendors, porters at helpers.

Ayon kay Dr. Mon Viliran ng Marikina Public Market Administrator, sa animnapu’t anim (66) na positibo sa COVID-19, apatnapu’t lima (45) rito ay mga helpers at karamihan sa kanila ay hindi taga-Marikina, kundi mga taga-Cupang at Mayamot, Antipolo; Balanti, Cainta; Pinagbuhatan, Pasig; at iba pang lugar.


Sa ngayon ay naka-quarantine at isolate na ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments