66 na senatorial candidates, pasok na sa opisyal na listahan ng kandidato sa 2025 elections

Nakapagtalaga na ang Commission on Elections (Comelec) ng 66 na kumpirmado ng pasok sa listahan ng mga kandidato sa 2025 senatorial elections, mula sa kabuuang 183 senatorial aspirants.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sila ang mga inisyal na nasuri na ng kanilang Law Department at kasama sa irerekomenda sa kanila.

Hindi pa inilalabas ng Comelec ang mga pangalan ng 66 na kandidato.


Sa ngayon, ayon kay Garcia ay patuloy aniya ang ginagawang pagsala sa listahan ng mga nagsumite ng certificate of candidacy.

Binibigyan naman ng hanggang Lunes na deadline ang mga nais maghain ng petisyon para maideklarang nuisance ang isang kandidato.

Target matapos ng Comelec Law Department ang listahan ng mga kandidato sa pagka senador at partylist sa Miyerkoles na isusumite nila sa Commission en Banc.

Facebook Comments