66 NAKUMPISKANG ILLEGAL MUFFLERS, WINASAK NG PNP SAN FABIAN

Winasak ng PNP San Fabian ang 66 nakumpiskang unauthorized at iligal na modified mufflers sa bayan sa isang public ceremonial destruction.

Layunin ng gawain na ipakita ang mahigpit na pagpapatupad ng batas, pangangalaga sa kalusugan ng publiko, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Ayon sa PNP, ang labis na ingay mula sa mga hindi awtorisadong muffler ay nagdudulot ng perwisyo, panganib sa kaligtasan sa kalsada, at polusyon sa ingay.

Sa pamamagitan ng publikong pagwasak ng mga nakumpiskang muffler, nagbigay ng malinaw na mensahe ang mga awtoridad na hindi kukunsintihin ang paglabag sa regulasyon sa sasakyan.

Hinihikayat din ang mga motorista na sumunod sa itinakdang pamantayan ng batas upang matiyak ang mas ligtas at mas tahimik na kalsada para sa lahat.

Facebook Comments