Manila, Philippines – Kontento ang mga Pilipino sa ginawang aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na durugin ang teroristang grupong Maute.
Ito ang lumabas sa pinakabagong survey na isinagawa ng Social Weather Station mula September 23 hanggang 27 sa 1,500 respondents.
Ayon sa survey, 66 percent o halos pito sa bawat sampung Pilipino ang kontento sa all-out war ng gobyerno laban sa mga terorista.
Labing walong porsyento naman ng mga Pilipino ang hindi pumabor at 16 percent ang undecided.
Pinakamalaking porsyento ng mga pumabor sa war on terrorism ng Duterte administration ay mula sa Metro Manila at Mindanao na may tig-54 percent habang 49 percent naman sa Visayas.
Facebook Comments